Enrique Razon, pinaka mayamang tao sa Pinas
July 27, 2025 | 12:00am

Enrique Razon Jr.
STAR / File
MANILA, Philippines — Nanguna na si Enrique Razon Jr. bilang pinakamayamang tao sa Pilipinas.
Base sa real-time billioner’s list ng Forbes Asia, naungusan na ni Razon si Manny Villar bilang pinakamayamang tao sa Pilipinas.
Nabatid na umabot sa $11.9 bilyon ang net worth ni Razon at nalagpasan nito ang $11 bilyon ni Villar.
Sinabi pa sa ulat na simula noong Abril, ang yaman ni Villar ay bumaba ng $6.2 bilyon.
Samantalang si Razon ay tumaas naman ng $1 bilyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
















