Enrile magre-resign 'pag binastos si Corona sa trial
MANILA, Philippines - Nakahandang magbitiw si Senate President Juan Ponce Enrile bilang presiding judge ng impeachment court sa sandaling ‘bastusin’ si Chief Justice Renato Corona sa pagtestigo nito sa korte.
Sinabi ni Sen. Enrile, nais niyang mismong si CJ Corona ang iharap ng depensa bilang testigo nito sa pagpapatuloy ng impeach trial sa linggong ito.
“Kung babastusin nila ang chief justice, magre-resign ako. I will rule them out of order. Bahala sila kung tatanggalin nila ako,” wika ni Enrile kahapon.
Hindi rin niya papayagan ang mga senator-judges na mag-cross examine sa punong mahistrado sakaling magdesisyon itong tumestigo sa kanyang impeachment.
“Cross-examination is the function of the contending lawyers. [The senator-judges] would be partisan if they cross-examine,” paliwanag pa ni Enrile.
Samantala, siniguro naman ng pangulo ng Senado na papayagan nito ang pagsalang nina Reps. Toby Tiangco at Hermilando Mandanas bilang testigo ng depensa.
Aniya, hahayaan niyang magbigay ng testimonya ang dalawang kongresista na hindi lumagda sa impeachment complaint pero ipauubaya na niya sa mga senator-judges ang desisyon kung tatanggapin ito bilang ebidensiya.
- Latest
- Trending