^

Bansa

Heneral nag-sorry sa Comelec officer

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang taon matapos ang kontrobersya, nag-sorry na ang isang heneral ng militar kay Commission on Elections Commissioner Elias Yusoph at pamilya nito kaugnay ng kaso ng pagdukot sa anak nito sa Marawi City, Lanao del Sur, ayon sa opisyal kahapon.  

Sinabi ni Col. Prudencio Asto, Chief ng Public Affairs Office ng Army’s 6th Infantry Division (ID), upang matuldukan na ang pagtatampo ni Yusoph, nagpakumbaba ang kanilang Commander na si Major Gen. Rey Ardo at personal na iniabot ang liham ng ‘written apology’ ng heneral sa opisyal sa pagbisita nito sa Cotabato City nitong nakalipas na mga araw. Sa nasabing paghingi ng paumanhin ni Ardo kay Yusoph, sinabi nitong nais niyang magkaunawaan na  sila ni Yusoph dahilan sa ‘misquoted’ lamang umano siya sa mga naglabasang ulat hinggil sa pagdukot sa anak ni Yusoph na si Nuraldin noong 2010 sa Marawi City.

Si Ardo ay dating Commander ng Army’s 103rd Brigade na nakabase sa Marawi City at iba pang bayan sa Lanao del Sur nang mangyari ang insidente.Tinanggap naman ni Yusoph ang paghingi ng ‘apo­logy ‘ ng heneral at umaasang higit pang mapagbubuti ang samahan sa tropa ng militar.

COTABATO CITY

ELECTIONS COMMISSIONER

ELIAS YUSOPH

INFANTRY DIVISION

LANAO

MAJOR GEN

MARAWI CITY

PRUDENCIO ASTO

YUSOPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with