^

Bansa

Mag-ingat sa pagpasok ng summer

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na mag-ingat dahil sa pagpasok ng summer at pagkakaroon ng matinding sikat ng araw kayat dapat umanong palagiang magdala ng inuming tubig, payong at sumbrero ang publiko para makaiwas sa epekto ng mainit na panahon.

Ilan lamang sa mga sakit na maaaring dumapo ngayong summer season ang bungang araw, sore eyes, hika, pagtaas ng alta presyon at iba pa bunga ng epekto ng ma­tinding init ng panahon.

Ayon kay Dr. Nathaniel Servando, administrator ng PAGASA, pumasok na ang summer nang ang Ridge of High Pressure Area (HPA) sa Luzon o ang ihip ng hangin ay naging easterly mula northeasterly at ang unti-unting pagtaas ng temperatura ay nagpapakita ng pag-alis ng northeast monsoon.

Ang pagsanib anya ng weather condition ay nagreresulta ng maalinsangan at mainit na panahon sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Gayunman, may oras anya na may malakas na ihip na hangin mula sa silangan sa may eastern section ng bansa at katamtaman ang alon sa karagatan dulot ng umiiral na La Niña phenomenon.

AYON

DR. NATHANIEL SERVANDO

GAYUNMAN

ILAN

LA NI

LUZON

PHILIPPINE ATHMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PINAALALAHANAN

RIDGE OF HIGH PRESSURE AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with