Petisyon sa Lions tinanggihan ng CA
MANILA, Philippines - Ipinalabas ng Court of Appeals noong Pebrero 3, 2012 ang isang resolusyong tumatanggi sa petisyon sa pagpapalabas ng temporary restraining order laban sa dalawang magkahiwalay na kautusan ng Regional Trial Court of San Juan sa Civil Case Nos. 3661 at 3662 na isinampa ng mga opisyal ng Lions International na sina Romy Yu at Willy Lao.
Ang dalawang kautusan ay nagpalabas ng Writ of Preliminary Injunction na pumipigil kay Lion Governor Anton Wong Lim sa panunungkulan bilang District Governor ng 301-AI para sa Lion Fiscal Year 2010-2011.
Kinumpirma ng mga utos ang naunang temporary restraining order ng nasabing mababang hukuman na umoobliga kay Wong na ipaubaya ang kanyang posisyon kay Romulo B. Lumauig bilang nahalal na kandidato sa naturang posisyon.
Sinabi naman ng Court of Appeals na walang karapatan si Wong sa TRO dahil hindi siya nakasunod sa mga rekisitos para sa pagpapalabas ng injunction.
- Latest
- Trending


















