^

Bansa

Miriam binastos!

- Nina Malou Escudero at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Pina-contempt ng impeachment court si private prosecutor Atty. Vitaliano Aguirre dahil sa pagtatakip ng dalawang tenga habang nagsasalita si Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago.

Mismong si Santiago ang naghain ng mosyon na ipa-contempt si Aguirre matapos ipaalam sa plenaryo ni Senator-Judge Jose “Jinggoy” Estrada ang pagtatakip ng tenga ni Atty. Aguirre habang nagsasalita si Santiago.

Ayon kay Estrada, ang pagtatakip ng tenga ni Aguirre ay kabastusan sa miyembro ng korte.

Inamin naman ni Aguir­re ang kaniyang ginawa at sinabi nitong nasasaktan na ang tenga niya dahil sa ginawang panenermon ng senadora sa grupo ni lead prosecutor Rep. Niel Tupas dahil sa pagbawi ng Articles 1,4,5,6 at 8.

“Totoo po yon sapagkat nasasaktan na ang tainga ko,” sabi ni Aguirre.

Sinabi ni Aguirre na na­tural lamang ang ginawa ng prosekusyon na pagwi-withdraw ng ilan sa kanilang complaints at nangyayari umano ito araw-araw sa kahit saang korte. Pero ito umano ang unang pagkakataon na nasaksihan niya na ang isang judge (Santiago) ay nagle-lecture sa isang abogado.

Sinabi naman ni Estrada na dapat ay umalis na lamang sa plenaryo si Aguirre kung ayaw na nitong marinig ang sinasabi ni Santiago sa halip na magtakip ng tenga.

Idinagdag pa ni Aquirre na sinadya niya talaga ang pagtatakip ng tainga dahil ayaw niya ang “shrill voice” ni Santiago.

Ayon pa kay Aguirre, kung humingi ng respeto ang isang tao ay dapat marunong din itong rumespeto.

Giit ng abogado, da­pat na irespeto sila kahit pa sila ay hindi nagtapos ng abogasya o simpleng tao lamang.

Paliwanag pa ni Aguir­re, hindi niya alam na nakatutok sa kanya ang camera. 

Upang hindi na humaba ang pagtatalo sinuspinde ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagdinig.

Nang magbalik ang trial, agad na sinegundahan ni Sen. Pia Cayetano ang mosyon ni Santiago na ipa-contempt si Aguirre kaya naglabas ng ruling si Enrile kung saan sinabi pa nito na hindi niya papayagan ang pambabastos sa impeachment court.

Binigyan din ng pagka­kataon si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas na magsalita para sa panig ng prosekusyon kung saan humingi ito ng tawad dahil sa nangyari.

Hiniling din ni Fariñas na tanggalin sa record ang salitang “gago” na ginamit ni Santiago patungkol sa mga miyembro ng prosekusyon.

Pag-uusapan pa sa caucus sa Martes kung anong parusa ang ipapataw ng impeachment court kay Aguirre.

Ayon sa binasa ni Sen. Cayetano ang isang taong na-contempt ay maaring patawan ng pagkakulong ng 10 araw o multa na hindi bababa sa P2,000.

Para naman kay Rep. Sonny Angara, tagapagsalita ng prosekusyon, hindi dapat nagbibitiw ng mga masasakit na salita si Santiago at dapat din silang irespeto. Naniniwala naman ang prosekusyon na hindi makakaapekto sa desisyon ng mga Judges ang naging hakbang ni Aguirre.

Si Aguirre ay naging abogado ni Hubert Webb sa Vizconde massacre.

Plano na ni Aguirre na magbitiw bilang private prosecutor dahil baka makasama pa umano ito sa prosecution.

AGUIR

AGUIRRE

AYON

HUBERT WEBB

ILOCOS NORTE REP

NIEL TUPAS

PIA CAYETANO

RODOLFO FARINAS

SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with