Sali na sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar

MANILA, Philippines - Maari na’ng kumuha ng mga stall para sa mga nais magtinda sa Aliwan Shoppers Bazaar na gaganapin sa ika-12 hanggang ika-14 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay.

Inaanyayahan ang maaring magdala ng iba’t ibang produktong galing sa lalawigan-maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga kooperatiba, tribal showroom at mga NGO na kasali sa kampanyang “Ona Town, One Product” ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok lalo na’t ika-sampung taon na ngayon ng Aliwan Fiesta - nataguriang pinakamalaking kapis­tahan sa bansa.

Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 2166022.

Show comments