Probe vs hazing inutos ng DOJ
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkamatay ng San Beda Law student na si Marvin Reglos dahil umano sa hazing.
Ayon kay de Lima, pinamamadali niya sa NBI ang imbestigasyon matapos na humingi ng tulong ang kapatid ng biktima. Si Reglos ay nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinala ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Unciano Medical Center sa Antipolo City kung saan idineklara itong dead on arrival.
“It’s very alarming on my part na malaman na ang involved na fraternity is the fraternity na allied sa sorority ko but the more that I would want to really know the truth kung sino sino ang involved. We have an Anti-hazing Act, it’s a criminal act,” sabi ng kalihim.
Idinagdag pa ni de Lima na kailangan na muling mapag-aralan ang anti-hazing law upang malaman ang responsibilidad ng fraternity leaders na siyang nagpapasimuno ng hazing.
- Latest
- Trending