^

Bansa

Kongresista huwag gawing kontrabida sa tv, pelikula - solon

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umapela kahapon sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang isang kongresista na ihinto na ang pagta-typecasting sa mga pelikula at telebisyon na kontrabida at masama ang mga kongresista.

Sa House Resolution 2140 na inihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., hiniling nito sa MTRCB na bawasan, pigilan at ihinto ang pagganap ng mga artista kung saan ginagampanan ng mga ito ang isang kongresista o pulitiko na masama upang hindi tumatak sa utak ng publiko ang negatibong pagtingin laban sa kanilang mga mambabatas.

Giit ni Gonzales, ang ganitong mga pagganap ay hindi patas dahil mistulang nadudungisan ang pangalan ng mga mambabatas na nagtatrabaho naman para sa kapakanan ng kanilang mga constituents.

Bukod dito, nagdudulot din umano ito ng negatibong impresyon tungkol sa miyembro ng Kamara na nagta-trabaho naman para makapag-bigay serbisyo subalit naapektuhan naman dahil sa mga maling pagganap sa telebisyon at pelikula.

Inamin naman ng mambabatas na mayroon din umanong nasangkot sa krimen subalit iilan lamang ang mga ito.

AURELIO GONZALES JR.

BUKOD

GIIT

GONZALES

INAMIN

KAMARA

MOVIE TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

PAMPANGA REP

SA HOUSE RESOLUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with