Partylist 'di pwedeng tumakbo kung walang manifesto
MANILA, Philippines - Nagpaalala na kahapon si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Sixto Brillantes sa mga partylist goup na maghain ng manifestation of intent para sa darating na May 2013 midterm elections.
Ito’y para sa mga nais lamang tumakbo sa halalan at kung hindi makapaghahain ng manifestation ay hindi naman makalalahok.
Nakasaad sa resolusyong inaprubahan ng Comelec en banc na dapat ay makapaghain na ng manifestation of intent ang lalahok bago pa magtapos ang buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.
Kabilang sa manifestation ang malinaw na listahan ng kanilang limang nominado.
Maari din aniyang maghain ng manifesto ang mga partylist group kahit na nakabinbin pa ang kanilang accreditation.
- Latest
- Trending