^

Bansa

Subpoena sa bank accounts ni Corona pinayagan ng impeachment court

- Nila Gemma Garcia at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pinayagan ng impeachment court ang supplemental petition ng kampo ng prosekusyon  para ipatawag ang mga opisyal ng bangko kung saan sinasabing mayroong accounts si Chief Justice Renato Corona.

“The majority votes to grant the prosecution’s request for subpoena for representative officers of the PSBank and the BPI to testify and bring and/or produce documents on the alleged bank accounts of Chief Justice Corona,” ayon sa Senate resolution na binasa ni Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III. 

Base sa 3-pahinang supplemental request for subpoena/reply ng prosecution, nais nito na maipalabas sa impeachment court na magkaiba ang detalye ng bank accounts nito sa mga inis­yung tseke ni Corona at asawang si Cristina na ipinambayad sa kanilang mga biniling ari-arian.

Kabilang sa mga ipinapa-subpoena ng prosecution ay ang manager ng BPI Ayala Avenue branch at PS Bank-Katipunan branch.

Ayon kay Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr., lead pro­secutor sa kanilang petisyon na noong 2009 ay P2.5 milyon lang ang idineklarang cash at investment ni Coro­na sa bangko kaya kwes­tyunable umano kung saan kinuha ang ipinam­bayad nito sa condomi­nium unit sa Bellagio na pag-aari ng Megaworld.

Batay sa mga isinumiteng dokumento ng prosekusyon sa Senado, dalawang beses na nagbayad si Corona ng BPI cheque sa Megaworld na nagkakahalaga ng P5 milyon at P4.5 milyon na parehong inisyu noong 2009.

Ngunit sa panig ng depensa ay sinabi ni Atty. Karen Jimeno na nabili ng mag-asawang Corona ang kanilang mga ari-arian sa legal na paraan kabilang ang mga unit sa The Fort, Taguig City.

Iginiit ni Jimeno na wala silang nakikitang pagkakaiba sa statement of assets and liabilities and networth (SALN) at Income tax return (ITR) ni Corona.

Binanggit pa nito ang pagkapahiya ng prosekusyon noong nagdaang Huwebes kung saan inamin ni Tupas na hindi 45 kungdi nasa 24 lamang ang ari-arian ni Corona taliwas sa mga naunang lumabas sa ba­lita.  

AYALA AVENUE

CHIEF JUSTICE CORONA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

ILOILO REP

KAREN JIMENO

MEGAWORLD

NIEL TUPAS

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER VICENTE SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with