^

Bansa

Llamas sinermunan lang

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sermon lang ang na­ging parusa kay Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas kaugnay sa pamamakyaw niya ng mga piraed DVDs sa Cicrle C Mall sa Quezon City at saka na lamang siya papatawan ng mas mabigat na parusa kung muling magkakamali.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte kaugnay sa inilabas na memorandum na naglalaman ng parusa kay Llamas.

Hindi na rin umano kailangan pang ipatawag ang editor ng pahayagang nakahuli kay Llamas dahil umamin naman ang opis­yal na siya ang nakunan ng picture na bumibili ng mga piniratang DVD na nagkakahalaga ng P2,000.

Nakasaad sa memorandum na ikinonsidera rin ang paghingi ng tawad ni Llamas at ang ginawa nitong pag-amin sa kaniyang pagkakamali kaya “admonished” lamang o sermon ang ipinataw na parusa.

“While strictly speaking, the act attributed to you, and which you admitted, is not a violation of the law, the impropriety of the action is without question. It is not an act expected from a public officer. However, taking into account your expression of “deep regret” and your tender of an apology, you are hereby formally ADMONISHED and given a firm reminder that you should, in the future, observe a higher degree of circumspection and discretion even with regard to your private, non-official conduct,” nakasaad sa memorandum.

Kinumpirma naman ni Valte na aprubado ni Pangulong Aquino ang nasabing desisyon.

Pinaalalahanan din si Llamas sa inilabas na memorandum na bilang isang mataas na opisyal ng gobyerno dapat magkaroon ito ng “high degree of prudence at propriety” upang hindi mawala ang tiwala ng taumbayan sa kasalukuyang administrasyon.

CICRLE C MALL

KINUMPIRMA

NAKASAAD

PANGULONG AQUINO

PINAALALAHANAN

POLITICAL AFFAIRS RONALD LLAMAS

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL DEPUTY SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with