^

Bansa

IBP binatikos sa 'pagkampi' kay Corona

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Atty. Argee Guevarra ang pagkakatalaga sa isa sa mga tagapagsalita ng Integ­rated Bar of the Philippines (IBP) na si Atty. Tri­xie Cruz-Angeles, bilang hepe ng IBP Impeachment Watch Group dahil sa umano’y kredibilidad.

Ayon kay Atty. Guevarra, ang pambansang liderato ng IBP sa pa­ ngunguna ni Roan Liba­rios ay umaani ng batikos sa publiko at mismong mga miyembro nito dahil sa nakikitang bias nito sa pagtatanggol kay Co­ rona, pagharang sa kanyang impeachment trial at pagpuna sa House prosecution panel.

Binigyang-diin ni Guevarra na malinaw na ang tunay na layon ng IBP IWG ay ang magsagawa ng propaganda campaign pabor kay Corona kung kaya si Angeles ang hinirang na lider nito.

Gayunman, sinabi ni Guevarra na maa­aring nahimasmasan ang lide­rato ng IBP kaugnay ng “makulay” na karakter ni Angeles nang sa huling pahayag nito ay sabihin na si Dennis Habawel na ang may “supervisory” authority sa IWG.

Maraming mga ordi­nar­yong miyembro ng IBP ang bumabatikos sa ka­nilang organisasyon na anila’y hindi itinatag para sumawsaw sa mga pro­sesong pulitikal tulad ng impeachment trial ni Corona.

Kaugnay nito, hayagang kinontra ng IBP Cebu City Chapter ang pambansang liderato ng IBP nang maglabas ang una ng resolusyon na su­muporta sa impeachment trial at humikayat kay Corona na mag-leave of absence habang nililitis siya.

ARGEE GUEVARRA

AYON

BAR OF THE PHILIPPINES

CEBU CITY CHAPTER

DENNIS HABAWEL

GUEVARRA

IBP

IMPEACHMENT WATCH GROUP

ROAN LIBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with