$21.9M utang ng SC sa WB sisilipin ng Senado
MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisimula ang impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, panibagong isyu na naman ang kakaharapin ng SC kaugnay sa diumano’y maanomalyang $21.9 milyong utang nito sa World Bank.
Sa Senate Resolution 674 na inihain ni Senator Franklin Drilon, iginiit nito sa Senate oversight committee on public expenditures na imbestigahan ang diumano’y maanomalyang paggamit ng utang sa SC.
Naniniwala si Drilon na maaapektuhan ang imahe ng bansa lalo na ang tinatawag na “credit-worthiness” kung mapapatunayan na hindi ginamit sa tama ang inutang sa World Bank.
Ayon kay Drilon, naaprubahan ang nasabing utang sa WB noong Oktubre 2, 2003 at dapat ay ilalaan sa Judicial Reform Support Project (JRSP).
Pero natuklasan umano ng WB na may mga pinagkagastusan ang SC na hindi naaayon sa kasunduan.
Ipinaalala ni Drilon na limitado na ang resources ng gobyerno kaya dapat namomonitor ang pag-utang katulad ng loan ng SC.
- Latest
- Trending