Gov. Ebdane 'di papayag na matalo ang anak
MANILA, Philippines - Hindi umano papayag si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. na matalo ang kanyang anak sa isasagawang special election para sa Congressional seat sa ikalawang distrito ng Zambales sa darating na Pebrero 4.
Sinabi umano ng gobernador na kapag ang kanyang anak na si Omar Ebdane ay natalo sa election ay tiyak na dinaya kaya hindi niya ito papayagan.
Si Omar na Provicial Administrator ngayon ng Zambales ay kakandidato ngayon bilang Congressman at ang kanyang mga makakalaban ay sina Alfred Mendoza, Cheryl Deloso, Rica Diaz at Jun Pangan.
Pinapairal na ng Comelec ang gun ban sa 11 bayan na nasasakupan ng ikalawang distrito ng Zambales upang matiyak na magiging matahimik at mapayapa ang nalalapit na election.
Sa darating na Enero 16 hanggang 18 itinakda ng Comelec ang pagsusumite ng ‘certificate of candidacy’ at sa Enero 19 naman hanggang Pebrero 2 ay simula ng kampanya habang sa Pebrero 4 isasagawa ang special election.
- Latest
- Trending