Palparan itinatago ng mga kasama, pulitiko - DILG
MANILA, Philippines - Nasa bansa pa si retired Maj. General Jovito Palparan at itinatago ng kanyang mga kasamahan at isang pulitiko, ayon kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredol.
Gayunman, tumanggi si Robredo na pangalanan ang mga taong kumakalinga kay Palparan at sinabi ng kalihim na nagsasagawa na sila ng pagsisiyasat sa naturang impormasyon.
Ayon sa kalihim, kailangan anyang lumutang ang heneral at linisin ang kanyang pangalan sa tamang forum dahil ang pagtatago ay nangangahulugan ng pag-amin sa kanyang kasalanan.
Dagdag ni Robredo, makakatulong sa pamahalaan ang reward para makuha si Palparan dahil dumagsa umano ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan niya sa pamamagitan ng text lalo na nang itaas ang presyo ng paghuli dito sa P1 million.
Nagsagawa ng ilang pagsalakay ang gobyerno sa iba’t-ibang lugar kamakailan pero negatibo ang resulta, pero kumpiyansa si Robredo na makukuha nila ang madulas na heneral.
Nagtago si Palparan matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang korte dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkawala ng dalawang aktibistang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong 2006.
- Latest
- Trending