^

Bansa

Palasyo dumistansiya sa kaso ni Sec. Acosta

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Dumistansiya ang Malacanang sa naging pahayag ni Presidential Adviser on Climate Change Sec. Neric Acosta ukol sa suspension order sa kanya ng Sandiganbayan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ipinauubaya ng Palasyo kay Sec. Acosta at sa kanyang mga abugado ang pagsagot hinggil sa graft case nito na nakahain sa anti-graft court.

Magugunita na sinabi ni Acosta na hindi siya puwedeng suspindihin ng Sandiganbayan dahil siya ay presidential appointee ni Pangulong Benigno Aquino.

Wika pa ni Acosta, kapag siya ay sinuspindi ng korte ay parang sinuspinde na din nito si Pangulong Aquino na nag­luklok sa kanya bilang presidential adviser on climate change at admi­nistrator ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Ayaw naman ituring ng Palasyo na arogante ang naging pahayag ni Acosta ng sabihin nitong hindi siya puwedeng suspindihin ng korte dahil appointee siya ng Pa­ngulo.

Idinagdag pa ni Lacierda, hihingan din niya ng reaksyon si Pangulong Aquino hinggil sa naging pahayag ni Acosta na hindi daw ito puwedeng suspindihin ng korte.

ACOSTA

AYAW

CLIMATE CHANGE SEC

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

NERIC ACOSTA

PALASYO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with