^

Bansa

PNoy namigay ng regalo sa batang mahihirap

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Ipinadama kahapon ni Pangulong Aquino ang diwa ng Kapaskuhan sa mga mahihirap na bata sa Makati kung saan namahagi ito ng regalo kasama ang kaniyang mga kapatid sa nasa 150 bata at personal pang naiparating ng ilan sa mga ito ang kanilang Christmas wish.

Ginawa ang okasyon sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City kung saan namigay ng noche buena package ang Pangulo.

Ayon sa Pangulo, ginagawa niya ang lahat upang mas maging masaya ang mga darating pang Pasko ng mga Filipino.

“Talagang pinipilit natin na ang mga susunod na Pasko lalo pa talagang... gumanda at mabuo ang mga pamilya,” anang Pa­ngulo.

Samantala, kabilang sa mga Christmas wish na ipinarating ng ilang bata sa Pangulo ay magkaroon ng school bag at panghanda sa kanilang noche buena.

May humiling din na sana ay magkaroon ng permanenteng trabaho ang kaniyang tatay kung saan naging positibo naman ang sagot ni PNoy sa lahat ng narinig na Christmas wish ng mga bata.

Muli ring nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na tumulong sa mga naging biktima ng bagyong Sendong.

vuukle comment

AYON

DON BOSCO TECHNICAL INSTITUTE

GINAWA

IPINADAMA

KAPASKUHAN

MAKATI CITY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with