^

Bansa

Bumili ng panregalong kapaki-pakinabang - Obispo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng isang Obispo ang publiko partikular ang mga magulang, gayundin ang mga ninong at ninang na tiyaking kapaki-pakinabang ang laruang pangregalo sa mga bata ngayong Pasko.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Media Office Director Monsignor Pedro Quitorio III na dapat tiyaking ang bibilhing mga laruan para sa mga bata ay hindi magsisilbing masamang impluwensiya para sa kanila.

Sinabi ni Quitorio na dapat na magsilbing censor ang mga magulang sa pagpili ng mga laruan para sa mga anak. Hindi aniya mabuting pangregalo sa mga bata ang mga laruang nagpapakita o nagmumulat sa mga bata ng karahasan tulad ng mga baril-barilan o kaya’y mga ‘angry toys,’ na tila tumutukoy sa nauusong mga laruan ng ‘angry birds.’

Giit ng CBCP official, ang pagreregalo ay may kaugnayan sa Pasko, na ang diwa ay tungkol sa ‘love’ kaya’t ang marapat aniya ay magbigay ng regalo na nagpapakita ng pag-ibig at pagmamahalan.

Para naman kay Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng Episcopal Commission on Youth ng CBCP, sa halip na laruang baril at iba pang mararahas na laruan, ay mas mainam kung mga libro at educational gifts ang ibigay sa mga bata upang higit nila itong mapakinaba­ngan.

AYON

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EPISCOPAL COMMISSION

GIIT

LEGAZPI BISHOP JOEL BAYLON

MEDIA OFFICE DIRECTOR MONSIGNOR PEDRO QUITORIO

PASKO

PINAYUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with