^

Bansa

Bishop Tagle bagong arsobispo ng Maynila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Iniluklok kahapon si Rev. Luis Antonio “Chito” Tagle  bilang ika-32 Arsobispo ng Manila Archdiocese na idinaos dakong alas 9:00 ng umaga kahapon sa Manila Cathedral, kapalit nang nagretirong si Gau­dencio Cardinal Rosales.

Isang dance procession ang sumundo kay Tagle sa Arzobispado de Manila, ng mahigit libong katao kabilang ang 75 Obispo, 800 pari, 500 seminarista, deboto na karamihan ay mga taga-Cavite, kung saan nagsilbi din si Tagle,  ang natunghayan sa pagsisimula sa San Agustin Church patungo sa Manila Cathedral.

Isang banal na misa ang idinaos matapos ang instalasyon na pinangunahan ng tatlong cardinal ng Pilipinas na sina Ricardo Cardinal Vidal, Jose Cardinal Sanchez, at Cardinal Rosales, gayundin ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Giuseppe Pinto, at pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Cebu Archbishop Jose Palma.

Nangako naman si Tagle na gagawin niya ang lahat upang mapaglingkuran ang kaniyang nasasakupan.

Si Tagle ay matatandaang hinirang ni Pope Benedict XVI upang pumalit kay Rosales, na nagretiro na sa puwesto sa edad na 79 .

APOSTOLIC NUNCIO

ARCHBISHOP GIUSEPPE PINTO

CARDINAL ROSALES

CATHOLIC BISHOPS

CEBU ARCHBISHOP JOSE PALMA

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

ISANG

JOSE CARDINAL SANCHEZ

MANILA CATHEDRAL

TAGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with