2 Hapones pumalag sa warrant of arrest
MANILA, Philippines - Pumalag ang dalawang Japanese national at limang Pilipino sa ulat na may warrant of arrest na ipinalabas ang korte laban sa kanila kaugnay ng reklamong Anti-Dummy Law.
Sa isang press statement nina Masaya Yorozu at Masahiko Tomita ay kanilang sinabi na pawang paninira lamang sa kanila at walang katotohanan na may mandamyento de aresto na inilabas ang Manila Regional Trial Court laban sa kanila at lima pang Pinoy.
Anila, subpoena ang kanilang natanggap mula sa tanggapan ni Judge Marcelino L. Sayo Jr. ng MRTC branch 45 para sumipot sa gaganaping pre-trial sa kanilang kinakaharap ng kaso at hindi warrant of arrest na ipinakalat sa publiko at sa media.
Ayon pa sa mga dayuhan, handa nilang harapin sa korte ang kaso at walang balak na takasan ito dahil wala umano silang nagawang paglabag sa batas.
Una dito ay naghain ng reklamong Anti-Dummy Law si Dionnie Guerrero, presidente ng isang shipping company laban sa dalawang Hapones at limang Pinoy.
Base sa rekord, sina Guerrero at Yorozu ay magka-partner umano sa negosyo sa loob ng 15 taon at taong 2011 ay nagkahiwalay sila ng partnership pero laking gulat ng Hapon ng ireklamo siya.
- Latest
- Trending





















