MANILA, Philippines - Matapos ang halos walong buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga piratang Somali ang may 15 Pinoy seamen lulan ng isang barko sa karagatang sakop ng Oman. Kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez ang paglaya ng 15 tripulanteng Pinoy na kabilang sa 21 crew ng na-hijack na Italian-flagged at owned bulk carrier MV Rosalia D’ Amato noong Abril 21.
Sinabi ni Hernandez na naimpormahan na ang mga pamilya ng mga Pinoy sa Pilipinas at inaayos na ng Embahada ang pagpapauwi sa mga ito.
Hindi naman makapagbigay ng kumpirmasyon ang DFA sa ulat na nagbigay ng $600,000 ransom kapalit ng paglaya ng mga bihag.