BOC chief: tinangka akong suhulan

MANILA, Philippines - Inamin ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na mayroong private individual na tinangka siyang suhulan kaugnay ng paghihigpit niya sa Bureau of Customs (BOC).

Sinabi ni Comm. Bia­zon sa ambush interview sa Palace reporters sa ginanap na 1st National Criminal Justice Summit, mayroong nagtangkang manuhol sa kanya pero tumanggi itong pangalanan.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, aalamin nila ang detalye kay Comm. Biazon.

Wika pa ni Sec. Lacierda, sa sandaling makuha nila ang detalye nito ay agad nilang paiimbestigahan ang pangyayari.

Aniya, dapat ay si Comm. Biazon ang tanungin kung kakasuhan nito ang nagtangkang manuhol sa kanya.

Show comments