^

Bansa

Shabu queen ng Bulacan, 4 pa timbog ng PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Natimbog na ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinaguriang “shabu queen” ng Bulacan at apat pang kasamahan nito matapos ang pagsalakay sa isang shabu tiangge dito kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang suspect na si Rizza Jacinto, umano’y drug operator at mga kasamahang sina Rodolfo Tinea, Rowena Jacinto, Dabio Bondoc at Fernando Fernando.  

Ayon kay Gutierrez, ang pagsalakay ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) at ng National Capital Region (PDEARO-NCR), sa pakikipagtulungan ng lokal na pulisya sa nasabing probinsya. Isinagawa ang raid sa apat na establisimyento ng isang compound sa may Barangay Banga, Plaridel, Bulacan sa bisa ng apat na search warrants ganap na alas-5 ng madaling araw.

Nakuha kay Rizza Jacinto ang may 50 gramo ng shabu at isang baril kasama ang badge ng NBI na umano’y pag-aari ng isang Rodolfo Tinea, ang kanyang live-in partner. Isang metro ang layo mula sa bahay ni Rizza ay ang bahay ni Rowena Jacinto, kanyang auntie, kung saan nakuha ang ilang plastic sachets ng shabu.  

Habang isa pang batch ng shabu sachets at paraphernalia naman ang nakumpiska sa bahay nina Dabio Bondoc at Fernando Fernando.

vuukle comment

BARANGAY BANGA

BULACAN

DABIO BONDOC

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FERNANDO FERNANDO

NATIONAL CAPITAL REGION

RIZZA JACINTO

RODOLFO TINEA

ROWENA JACINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with