^

Bansa

Bagong sakit ni CGMA kinumpirma ng doktor

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mismong ang attending physician na ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na si Dr. Juliet Gopez-Cervantes ang nagkumpirma na may bagong sakit ang kanilang pasyente na patuloy na nananatili sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

Sa medical bulletin, sinabi ni Dr. Cervantes na naka­karanas ng “inflamed colon o colitis” si Cong. Arroyo ma­tapos na isailalim ito sa “colonoscopy” nitong nakaraang Sabado. Ito’y dahil sa walang tigil na diarrhea o pagtatae at pananakit ng sikmura ng dating Pangulo ilang araw matapos itong ma-confine sa naturang pagamutan.

Nabatid na ang “colitis” ay ang matinding paghilab ng colon na maaaring dulot rin ng paghilab ng bituka at maging ng “rectum”.

Binibigyan na nila ng “antibiotics” ang dating Pangulo at “oral at intravenous hydration” mula noong Linggo.

Dahil sa naturang bagong kundisyon ni Arroyo, hiniling na ng kanyang mga abogado sa Pasay City Regional Trial Court branch 112 na magbigay ng limang araw pang ekstensyon sa “hospital arrest” ng kanilang kliyente upang mabigyan ito ng oras para makarekober.

Pinadalhan naman kahapon ng subpoena ni Judge Jesus Mupas si Dr. Cervantes upang dumalo sa pagdinig ng kasong electoral sabotage ni Arroyo sa darating na Huwebes. Ito’y upang kumpirmahin ang kalagayan ng kalusugan ni Arroyo kaugnay ng bagong kahilingan ng mga abogado nito sa ekstensyon ng hospital arrest.

Tiniyak naman ng kampo ni Dra. Cervantes na dadalo sila sa pagdinig bagama’t humihiling sila na mabigyan ng proteksiyon ang lugar na kanilang daraanan upang hindi na nila maranasan pa ang nangyaring pagdumog sa kanila ng mga miyembro ng media na nagresulta pa umano’y pagkakaroon ng bukol ng isa nilang kasamahan matapos matuktukan ng kamera.

DR. CERVANTES

DR. JULIET GOPEZ-CERVANTES

GLOBAL CITY

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JUDGE JESUS MUPAS

MEDICAL CENTER

PAMPANGA REP

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with