^

Bansa

Pagsibak sa PLLO chief ni PNoy suportado sa Kamara

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Suportado ng ilang kongresista ang pagsibak ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinuno ng Presidential Legislative Liason Officer ng Kamara na si dating Bataan Rep. Antonio Roman.

Sinabi ng isang kongresista, na ayaw ipabanggit ang pangalan, naniniwala siyang ginawang hakbang ni PNoy na para sa ikabubuti ng pamahalaan partikular ang ugnayan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Malacañang.

Kahit may nagawa umanong kabutihan si Roman sa pamumuno sa PLLO, kampante na may iba pang maaa­ring makapagbigay ng mas mahusay na pamamalakad tulad ni dating Cagayan Congressman Manuel Mamba.

Sinasabing nang ma­ging mambabatas si Mamba ay ipinakita nito ang mga katangian ng isang mahusay na lider.

Napag-alaman, isinasangkot si Roman sa P860 milyong ginastos umano para sa pagkain lamang ng mga mam­babatas at opisyales ng Malacañang na dumalo nitong nagdaang Agosto sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) kung kaya’t iniutos umano ni PNoy na alisin ito sa posisyon.

Mas mabuti pa si Mamba ang makuha para maipatupad ang programa ng pamahalaang Aquino na “Daang Matuwid” sa gobyerno na walang lugar ang katiwalian.

AGOSTO

ANTONIO ROMAN

AQUINO

BATAAN REP

CAGAYAN CONGRESSMAN MANUEL MAMBA

DAANG MATUWID

LEGISLATIVE EXECUTIVE DEVELOPMENT ADVISORY COUNCIL

MALACA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL LEGISLATIVE LIASON OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with