^

Bansa

Mga empleyado ng 2 bus firms na tinanggalan ng prangkisa humingi ng saklolo sa Palasyo

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Humingi ng saklolo kay Pangulong Aquino ang libu-libong drivers, conductors, inspectors, messengers at mekaniko na nawalan ng trabaho dahil sa pagkakansela ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa prangkisa ng 2 bus company at pagsuspinde sa 18 iba pang kumpanya ng bus na pinagsisilbihan ng mga ito.

Ayon sa mga ito, sa hirap ng buhay at trabaho ngayon hindi sila makakahanap agad ng ikabubuhay para sa kanilang pamil­ya kayat kailangan silang tulungan ng pamahalaan.

Umapela rin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga apektadong drivers at mga pamilya na bigyan sila ng pansamantalang ayuda habang naghahanap sila ng trabaho o bigyan sila ng mapagkikitaan hanggang hindi pa inaalis ang suspension ng kanilang mga bus company.

Nauna ng kinansela ng DoTC ang franchises ng Corinthian Liner na may (121 units) at Jell Transport (126 units) matapos mapatunayan na lumahok ito sa ginawang transport strikes noong Nov. 15, 2010 bilang protesta sa ipinatupad na color coding ng MMDA upang makabawas sa trapiko sa EDSA.

Kasama rin sinuspindi ang ES Transport, Bovjen Transport, Eduardo Palma, E&E Royal Couple Bus Inc, City Bus Inc, Philippians Bus Lines, Newman Goldliner, Rainbow Express, Jayross, Lucky Seven Tours, Laguna Star Bus Transportation System, JRMS, Golden Sky Transport, Mannrose Liner, Vill 5000, Margarito Peñalosa, Jacinto Torres at Luzon Bus.

BOVJEN TRANSPORT

BUS

CITY BUS INC

CORINTHIAN LINER

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

E ROYAL COUPLE BUS INC

EDUARDO PALMA

GOLDEN SKY TRANSPORT

JACINTO TORRES

JELL TRANSPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with