Mikey balak ipalit kay CGMA

MANILA, Philippines - Posibleng si Ang Galing party list Representative Mikey Arroyo ang ipalit sa puwesto ng kanyang ina habang naka hospital arrest ito sa St. Lukes Hospital sa Taguig.

Ito ay dahil si Mikey ay dati nang kumatawan sa ikalawang distrito ng Pampanga kayat alam na nito ang pangangasiwa sa pangangailangan ng distrito.

Malaki ang posibilidad na magtatalaga ang Kamara ng caretaker para sa ikalawang distrito ng Pampanga habang hindi pa magagampanan ni Congresswoman Gloria Arroyo ang kanyang tungkulin.

Ayon kay House Deputy Speaker Erin Tañada, posible umanong magtalaga ang kamara ng caretaker para sa nasabing distrito.

Kinontra naman agad ito ni House Majority Leader Neptali Gonzales na ilagay na caretaker ng distrito si Mikey.

Show comments