^

Bansa

Andal Sr., 'di na oobligahing humarap sa poll fraud probe

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Upang matiyak na wala nang magiging aberya ay hindi na oobligahin ng joint Department of Justice at Commission on Elections (DoJ-Comelec) investigating committee si dating Maguindanao Go­­vernor Andal Ampatuan Sr. na humarap sa mga pagdinig sa kasong electoral sabotage dahil sa dayaan­ noong 2007 elections.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, pinuno ng komite, sa halip sunduin ay magpapadala na lamang sila ng piskal sa Camp Bagong Diwa para mapanumpaan ni Ampatuan ang kaniyang isusumiteng counter affidavit para na rin sa kaniyang seguridad.

Magugunitang itinuro ng kaniyang dating provincial administrator na si Nuri Unas si Andal Sr. na umano’y may malaking papel sa nangyaring da­yaan para sa 12-0 votes pabor sa Team Unity.

Nangangamba kasi ang opisyal na maging dahilan pa ng panibagong mga gusot kung maglabas-masok si Ampatuan sa piitan para sa proceedings ng DoJ-Comelec probe team.

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN SR.

ANDAL SR.

AYON

CAMP BAGONG DIWA

COMELEC

DEPARTMENT OF JUSTICE

MAGUINDANAO GO

NURI UNAS

PROSECUTOR GENERAL CLARO ARELLANO

TEAM UNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with