IT consultant sinibak ni Brillantes
MANILA, Philippines - Sinibak ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Sixto Brillantes ang isang Information Technology (IT) consultant na nagtangkang manuhol sa kaniya ng P3-milyon upang paburan na makapasok sa pagdedeliber ng ballot boxes at election paraphernalias sa mga lalawigan ang isang forwarding company.
Bukod pa rito, ang singil na P43-milyon ng Ximex, ang kumpanyang iniendorso ay natuklasang overpriced.
Nabatid ito nang aminin ni Comelec Comm. Augusto Lagman na mismong si Brillantes ang nagbunyag sa Commission en banc sa bribery attempt ni Jade de Ocampo Deinla. Nag-isyu umano kaagad ng notice of termination ang poll chairman laban kay Deinla.
Ikinalungkot ni Lagman ang pangyayari dahil siya mismo ang nag-endorso sa kaibigan niyang si Deinla upang maging consultant ni Brillantes. Hindi naman mababaligtad si Brillantes dahil nairekord nito ang pakikipag-usap kay Deinla.
Kaagad namang ikinumpisal ni Brillantes ang naturang insidente sa Comelec en banc at nag-isyu ng Notice of Termination Letter si Brillantes laban kay Deinla dahil sa naturang insidente.
“After discussing your illegal, if not criminal, proposal to the undersigned, details of which I have discussed with the members of this Commission, your consultancy contract with this Commission is hereby terminated effective immediately,” sa termination letter ni Brillantes na may petsang Setyembre 9, 2011.
- Latest
- Trending