^

Bansa

Service crew tinodas ng 2 lalaking nasagi sa harap ng ka-live-in

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sa harapan mismo ng kaniyang ka-live-in, sinaksak at pinatay ng dalawang ‘di kilalang suspek ang isang 22-anyos na service crew matapos lamang na aksidenteng masagi ng biktima ang mga suspek sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Kaagad na nasawi ang biktimang si Eugene Talagtag, 22, binata, service crew at naninirahan sa Opna compound, Bagong Silangan, Fairview, Quezon City bunsod nang tinamong malalim na saksak sa likod na tumagos sa kaniyang baga at isang malalim na saksak sa braso.

Sa paunang imbestigasyon ni SPO1 Disilito Custodio, Mandaluyong City Police -Criminal Investigation Unit (CIU), nabatid na dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa overpass ng Mega Mall na patungo sa Star Mall.

Ayon kay Jasmin Can­las, live-in partner ni Talagtag, naglalakad sila ng biktima kasama ang dalawa pang kasamahan sa trabaho sa naturang overpass nang aksidente umanong masagi ng biktima ang mga suspek na ikinagalit ng mga ito.

Kaagad naman uma­nong humingi ng dispensa ang biktima sa nangyari ngunit sa halip na patawarin ay lalo umanong nagalit ang mga suspek at pinagmumura pa ang biktima.

Hindi pa nasiyahan, bigla rin umanong nagbunot ng balisong ang isa sa mga suspek at sinaksak sa likod ang biktima at braso bago mabilis na nagsitakas.

Sa labis na kabiglaanan sa bilis ng pangyayari ay hindi na umano nahabol nina Canlas ang mga suspek at sa halip ay humingi na lamang ng tulong upang maisugod sa Mandaluyong City Medical Center ang biktima, ngunit nasawi rin ito.

vuukle comment

BAGONG SILANGAN

BIKTIMA

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DISILITO CUSTODIO

EUGENE TALAGTAG

JASMIN CAN

KAAGAD

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MANDALUYONG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with