^

Bansa

PAL naglabas ng P2.6 B separation package

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Inumpisahan na ng Philippine Airlines (PAL) ang pagpapalabas ng may P2.6-billion kabuuan halaga para sa separation package ng kanilang mga empleyado mula sa tatlong non-core units na inalis noong Oktubre 1, 2011.

Ayon sa PAL’s Human Resources Department, ang unang batch na makikinabang nito ay ‘yong mga empleyadong hindi sumama sa ‘wild cat strike’ noong September 27 at ngayon ay muling nagta-trabaho sa PAL service providers.

Ang susunod na makakatanggap ay ‘yong mga hindi sumali sa strike makukuha nila ang kanilang tseke sa Okt. 15, 2011.

“Per instructions of PAL management, we will give priority to employees who heeded PAL’s appeal for a smooth and orderly implementation of the spin-off/outsourcing program,” sabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna.

Sa may 2,300 recipients ng retirement package, may 600 sa mga ito ang lumipat sa PAL service providers, samantala may 1,700 workers ang umayaw sa PAL’s third party contractors.

Napag-alaman na ka­ramihan sa mga manggagawa ang makakatanggap ng may P800,000 separation pay, kabilang dito ang kanilang 125 percent buwanan sahod sa bawat taon ng kanilang serbisyo at P100,000 gratuity pay na converted-to-cash accrued vacation at sick leaves.

Sa  PAL HRD records, may 28% ang tatanggap ng P1 million pataas, 37% ang makakakuha ng P750,000 hanggang P1 million at 22% ang makakuha ng P500,000 below.

AYON

CIELO VILLALUNA

HUMAN RESOURCES DEPARTMENT

INUMPISAHAN

NAPAG

OKT

OKTUBRE

PAL

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with