MANILA, Philippines - Kanselado pa rin ang may 76 Philippine Airlines (PAL) flights, 46 dito ang international at 30 domestic samantala 7 international at 3 domestic flights ang na-delay sa pag-alis sa NAIA terminal 2 kahapon.
Ayon sa ulat, malamang tumagal pa umano ng dalawang linggo bago bumalik sa normal ang operasyon ng PAL matapos magsagawa ng ‘lightning strike’ ang grupo ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) noong Martes.
Pilit pinalabas ng mga riot police at PAL security sa tulong ng MIAA management ang may 300 PALEA members sa terminal 2 matapos magkaroon ng tensyon at magkasuntukan pa.
Napag-alaman, may ibang pasahero ng PAL ang inililipat sa Airphil, Cebu Pacific at Zest Air.
Habang sinusulat ang balitang ito ay nasa labas ng terminal 2 malapit sa PAL in-flight center ang mga taga-PALEA kasama ang grupo ng Partidong Manggagawa.
Sa panig ng PAL management sinabi nila na “We thank our passengers for their patience and understanding and for bearing with us during this difficult time. Rest assured that PAL will do everything to ensure that all our passengers will reach their destination safely.”