Pensioners na apektado ng nagsarang LBC bank, pinagbubukas ng bagong account ng SSS
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Social Security System (SSS) sa mga pensioners ng ahensiya na apektado ng nagsarang LBC Development Bank na magbukas ng bagong accounts sa ibang bangko upang maiwasan ang delay ng kanilang monthly pensions.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. ang October pensions na may accounts sa LBC Development Bank ay babayaran ng pension checks na ipadadala sa kanilang bahay hanggat wala pa silang bagong accounts sa ibang bangko.
“SSS has started processing about P1.02-million worth of checks for the October pensions of 381 pensioners under the LBC Development Bank. We will mail the pension checks to their home addresses before the end of September,” paliwanag ni de Quiros.
Ang LBC Development Bank ay naipasara kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas dahil sa paglabag sa ibang banking law kasama na ang umanoy paglilipat ng bilyong pondo nito sa affiliate companies.
Umaabot sa 99 percent o may 6 na milyong pensioners ang tumatanggap ng pension sa pamamagitan ng kanilang passbook o ATM savings accounts habang ang 18,000 ay nababayaran ng pension checks sa pamamagitan ng koreo.
- Latest
- Trending