MRTC kinuwestyon sa 11/88 mall
MANILA, Philippines - Kung normal na sa bansa ang mabagal na paggulong ng hustisya, kabaligtaran ito sa kinukuwestiyon ng isang partido sa kaso ng korporasyon sa isang mall sa Binondo, Maynila.
Sa naging hinaing sa media ni Atty. Jorge Sacdalan, kinatawan ng Bullion investment and Development Corporation (Bullion) sa isyu ng kaso ng 11/88 Mall (dating Meisic Mall) sa Binondo, laban sa kasosyong Majestic Plus Holding Inc. (Majestic), `undue and deliberate haste’ umano ang isang araw lamang na paggulong ng hustisya sa pagpabor ng Manila Regional Trial Court.
Hindi pa umano ‘final and executory’ ang desisyon nito dahil may nakabinbin pang apela sa Court of Appeals (CA) ang Bullion kaya hindi makatarungan para sa kanila ang agarang pagpapatupad ng kautusan ng Manila RTC Branch 46 na pabor sa Majestic.
Nabatid na nag-isyu ang Majestic ng ilang talbog na tseke bilang bayad sa napagkasunduan nila ng Bullion subalit noong Agosto 18, 2011 ay pinaburan ng Manila RTC ang Majestic kaya noong Agosto 22, 2011 ay naghain naman ng mosyon ang Bullion na nangangahulugang hindi pa dapat i-execute ang ruling.
Noong Agosto 24, 2011 ay naghain ng notice of appeal ang Bullion na nagsasabing may apela na sila sa Court of Appeals. Itinakda kinabukasan ng mababang korte ang pagdinig sa motion ng Bullion at inatasan ito na magsumite ng comment o opposition hanggang Agosto 31, 2011.
Ani Atty. Sacdalan, kahit nitong nakalipas na Agosto 31, 2011 ay ‘submitted for resolution’ na ang kaso, nagulat ang kanilang kampo nang kinabukasan o Setyembre 1 ay nagpalabas na agad ng ’special order’ ang nasabing korte na nagsasaad na `granted’ ang motion ng Majestic maging ang writ of execution sa kabila ng `pending appeal’.
“Papaano kung manalo kami sa appeal namin pagkatapos nag-execute na sila kaagad? What’s the use of allowing the appeal? Clearly, pinangunahan`yung order,” dagdag pa nito.
Hindi rin umano pinadalhan ng notice to vacate the mall ang Bullion at nakaranas pa ng karahasan mula sa kamay ng mga pulis na pinamumunuan ni Manila Police District-station11, P/Supt Ferdinand Quirante nang sila ay palayasin sa loob ng mall, sa halip na umasiste lamang sa aksiyon ng sheriff.
- Latest
- Trending