^

Bansa

Imported na asukal 'baha' sa palengke

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Pinakikilos ni Negros Occidental 3rd dis­trict Representative Alfredo Benitez ang pamaha­laan kaugnay sa umanoy pagdagsa ng mga imported na asukal na posibleng dahilan upang malugi ang mga nagtatanim ng tubo sa bansa.

Sinabi ni Benitez, ka­­ ilangan ng isang polisiya ng Pilipinas upang mapalakas ang sugar industry ng bansa bilang paghahanda sa ASEAN Free Trade Area-Common Effective Preferrential Treatment (AFTA-CEPT) kung saan hindi umano malayong dagsain ng imported na asukal ang Pilipinas sa taong 2015.

Idinagdag pa nito na sa kasalukuyang panahon ay nararanasan na ng industriya ng asukal sa bansa ang epekto ng pagbaha ng imported na asukal sa merkado kung saan mas mahal ang bentahan ng asukal mula sa lokal na magsasaka.

Sa ilalim ng nasa­bing kasunduan, ang tariff rates sa mga imported na asukal mula sa mga miyembro ng ASEAN countries ay ma­babawasan ng 28 porsi­yento sa susunod na taon.

Habang sa taong 2013 ay magiging 18 porsiyento; 10 porsi­yento sa 2014 at 5 porsiyento sa 2015.

Iginiit pa ng nasabing mambabatas na dapat tularan ng Pilipinas ang ginagawa ng bansang Thailand na gumawa ng polisiya at programa para maprotektahan ang lokal na manggagawa nito at maging ang buong industriya ng asukal sa nasabing bansa

ASUKAL

BENITEZ

FREE TRADE AREA-COMMON EFFECTIVE PREFERRENTIAL TREATMENT

HABANG

IDINAGDAG

IGINIIT

NEGROS OCCIDENTAL

PILIPINAS

REPRESENTATIVE ALFREDO BENITEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with