^

Bansa

Dacer-Corbito hearing itinakda sa Nob. 16

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Itinakda na ng Manila Regional Trial Court sa Nobyembre 16 ang pagdinig sa Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Atty. Napoleon Poblador, abogado ni dating Police Senior Supt. Michael Ray Aquino, mula sa nasabing petsa ay ita­takda na ang pagdinig ng kaso tuwing Miyerkules sa sala ni Judge Thelma Bunyi-Medina.

Samantala, sa isinagawang pre-trial sa kaso ni Aquino, pumayag ang hukom na iharap muli ng prosekusyon ang kanilang mga testigo na iniharap bago pa man ang arraignment.

Kabilang dito sina Dra. Rachel Fortun, isang forensic expert, dating police colonel Cesar Mancao, Glenn Dumlao at iba pa.

Ipinasusumite rin ng depensa ang mga physical at documentary evidences na nauna nang inilabas ng prosekusyon katulad ng mga affidavit, certificate gayundin ang cell-phone at sim card ni Dumlao.

AQUINO

AYON

CESAR MANCAO

GLENN DUMLAO

JUDGE THELMA BUNYI-MEDINA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MICHAEL RAY AQUINO

NAPOLEON POBLADOR

POLICE SENIOR SUPT

RACHEL FORTUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with