Singil sa kuryente tataas!
MANILA, Philippines - Dobleng paghihigpit muli sa sinturon ang daranasin ng mga Pilipino makaraang aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang P.03 sentimos kada kilowatt hour na dagdag singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) upang mabawi umano ang nalugi sa kumpanya noong taong 2010 dahil sa mas mababang singil.
Iginiit naman ng ERC na mas maliit na halaga ang kanilang inaprubahan kaysa sa hi ling ng Meralco na P.07 sentimos kada kilowatt hour. Magtutuloy-tuloy umano ang dagdag singil hanggang sa mabawi ng Meralco ang P944 milyon na anila’y lugi nito.
Kasabay nito, nagpatupad naman ng panibagong pagtataas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Kahapon, dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang pangunahan ng Pilipinas Shell ang panibagong oil price hike nang itaas ng P.90 sentimos kada litro ang presyo ng premium, un leaded at regular na gasolina at P.70 sentimos kada litro ng kerosene at diesel.
Alas-6 naman ng uma ga nang sundan ito ng Chevron ng kahalintulad na halaga. Inaasahan rin na susunod agad ang iba pang kumpanya ng langis.
- Latest
- Trending