UN suportado ang RH bill
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng tuloy-tuloy na suporta ang United Nations sa Philippine government sa inisyatibo na ginagawa nito para makamit ang Millenium Development Goals (MDGs) hanggang sa 2015.
Nakapaloob sa MDGs ang layunin na mapababa ang maternal deaths, masiguro na mayroong access ang lahat sa reproductive health kabilang na ang family planning na unang prayoridad ng gobyerno at ng UN’s assistance para maisakatuparan pagsapit ng 2015.
“The United Nations will continue to support the government’s commitment for a life of health and dignity of all Filipinos by ensuring that every pregnancy is wanted, every birth is safe, every young person is free of HIV and AIDS, and women and girls are treated with dignity and respect” pahayag ng UN.
Suportado rin ng UN ang universal health agenda ni President Aquino na ang layunin ay maprotektahan ang bawat Filipino sa kanilang karapatan para malayang makapagdesisyon sa pagbuo ng kanilang pamilya.
Dahil dito, para mas mapalakas pa ang ginagawang inisyatibo at commitment ng gobyerno ng Pilipinas para masiguro na ang mga kababaihan partikular na ang mga mahihirap na hindi mamatay sa kanilang panganganak, mas lalo pang dadagdagan ng UN ang suporta sa maternal at neonatal health program ng mga ito sa Pilipinas.
- Latest
- Trending