Jimenez bagong DOT sec.

MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Aquino ang advertising communications expert na si Ramon Jimenez Jr. bilang kapalit­ ng nagbitiw na si Tourism secretary Alberto Lim.

Sinabi ni Jimenez, tinanggap niya ang alok ni Pangulong Aquino na pamunuan ang Department of Tourism at buo ang suporta ng kanyang pamilya sa pagpasok niya sa serbisyo-publiko.

Ang mga naiwang proyekto ni Lim sa DOT ay kanya umanong itutuloy lalo ang magpapalakas sa kampanya ng turismo ng bansa.

Aniya, napakaganda ng Pilipinas at napakadali itong ibenta sa mga turista pero ang kailangan lamang ay mahusay na estratehiya upang dagsain ng turista ang bansa. Umaasa si Jimenez na makukuha niya ang buong suporta ng DOT staff gayundin ang mga stakeholders sa tourism business.

Show comments