'Behest loan' ng DBP kay Ongpin sisilipin ng Kamara
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan sa Kamara ni Iloilo Rep. Neil Tupas Jr. ang maling pagpapautang ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa former Marcos trade Minister na si Roberto Ongpin ng halagang P600 milyon sa ilalim ng Arroyo government.
Naghain ng resolusyon no. 163 si Tupas, chairman ng house committee on justice, upang imbestigahan ng Kamara ang maling ito ng mga opisyal ng DBP.
Sinabi ni Tupas, dapat managot ang mga opisyal ng DBP sa pagkakaloob nito ng behest loan kay Ongpin sa panahon ng Arroyo administration.
Nitong August 5, nagsampa ng kasong criminal at administratibo ang DBP filed laban sa nakaraang board na binubuo nina chairman Patricia Santo Tomas, president Reynaldo David, at Ongpin, kaugnay sa P660 million behest loans na ibinigay ng DBP sa kumpanya ni Ongpin, matalik na kaibigan ni dating First Gentleman Mike Arroyo, na Delta Ventures Resources Inc. (DVRI), na ginamit nitong pambayad sa biniling Philex Mining shares.
Kinasuhan din sa paglabag ng Republic Act No. 3019, otherwise known as the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Civil Service Laws, RA No. 8791, o General Banking Law of 2000, sina former DBP chief operating officer Edgardo Garcia at former directors na sina Ramon Durano IV, Alexander Magno, Floro Oliveros, Joseph Pangilinan, Miguel Romero, Franklin Velarde at Renato Velasco.
Inireklamo din ang mga DBP officials na sina Armando O. Samia, Rolando S.C. Geronimo, Perla Soleta, Benedicto Ernesto R. Bitonio, Jesus Guevara II, Benilda A. Tejada, Cresenciana R. Bundoc, Josephine E. Jaurigue, Ma. Teresita S. Tolentino, Arturo C. Baliton, Justice Lady L.S. Flores, Marissa S. Cayetano, Rodolfo C. Cerezo, Warren de Guzman, and Nelson P. Macatlang, and DVRI’s executive secretary Josephine A. Manalo and DVRI stockholder Ma. Lourdes A. Torres.
- Latest
- Trending