^

Bansa

Miriam aminadong may 'makikinabang' sa RH bill

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inamin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na may kikita o makikinabang sa isinusulong na Reproductive Health (RH) Bill katulad ng mga negosyanteng magbebenta ng mga contraceptives kabilang na ang condoms.

Pero ayon kay Santiago, bahagi ng tinatawag na “capitalist system” ang pagkita ng mga negos­yante kaya hindi ito dapat ginagamit na argumento upang mapigilan ang pagpasa ng panukala. Isa si Santiago sa nagsusulong ng pagpasa ng RH bill sa Senado.

Sinabi ni Santiago na bawat panukalang batas naman na ipinapasa sa Senado ay may kumikita katulad halimbawa ng pagsusulong ng kapayapaan at katahimikan sa lipunan.

Upang magkaroon uma­no ng kapayapaan dapat magkaroon ng mga army at pulis na gumagamit naman ng mga bala, baril at kanyon na binibili ng gobyerno.

“Bawat panukalang batas na pinapasa dito sa Senado meron tala­gang kikita diyan. Gaya ng halimbawa ko nga kanina, ang pinakaunang trabaho ng gobyerno ay subukang bigyan tayo ng kapayapaan at katahimikan sa ating lipunan, kaya dapat may army at pulis. Oras na gumawa ka ng army, gagastos ka talaga ng pera. Bibili ka ng mga baril, bala, at kanyon.  Magkakaroon ng negosyo ang mga gumagawa ng baril,” sabi ni Santiago.

Sinabi pa ni Santiago na sa tuwing gumagastos ang gobyerno, may mga negosyanteng kumikita dahil bahagi ito ng capitalist system.

“Kaya bawat gastos ng gobyerno para sa mamamayan, sigurado iyang may negosyante na kikita. But that is our capitalist system. Kaya hindi mo magagamit na argumento iyan dahil sinasabi nila na kung pumasa itong RH Bill maraming bibili ng condom, kikita ang mga condom manufacturers,”

Ipinunto rin ni Santiago na kahit naman sa tinatawag na “natural rhythm method” o natural na paraan ng family planning ay may kikita rin dahil kinakailangang bumili ng kalendaryo at thermo­meters ang mga babaeng gagamit nito.

“Pero kung manatili tayo sa natural rhythm method na siya namang advocacy ng mga anti-RH, eh di kikita naman ang mga gumagawa ng kalendaryo at mga thermometers because you have to take the temperature of the woman. So either way you slice it, talagang may kikita,” ani Santiago.

BAWAT

KAYA

KIKITA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PERO

REPRODUCTIVE HEALTH

SANTIAGO

SENADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with