^

Bansa

Outsourcing ng PAL employees, anti-labor

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ang pagpapaubaya ng Malacañang ng desisyon sa pamunuan ng Philippine Airlines ay indikasyon lamang ng pagiging anti-labor nito.

Ayon kay Solidarity Philippines Convenor Rev. Fr. Joe Dizon, ang pagtanggal sa 2,600 regular na empleyado nito ay napaka-anti labor dahil sa halip na i-promote at payabungin ang security of tenure ay lumalabas na pinapaboran nito ang contractualization sa bansa.

Giit ng pari, hindi totoong boss ni P-Noy ang taong bayan dahil nakikita sa mga ganitong patakaran at desis­yon na pinapaboran niya ang mga kapitalista, dayuhan at mayayaman. Napakasama anyang desisyon ang ginawa ng Palasyo dahil hindi nito pinapaboran ang interes ng mga manggagawa.

Una ng pinaboran ng Office of the President ang PAL management sa pag-outsource sa mga empleyado nito sa pamamagitan ng pagtatanggal sa kanila para gawin na lamang contractual. Aniya, ang kailangan ng mga ito ay security of tenure.

ANIYA

AYON

GIIT

JOE DIZON

MALACA

NAPAKASAMA

OFFICE OF THE PRESIDENT

P-NOY

PHILIPPINE AIRLINES

SOLIDARITY PHILIPPINES CONVENOR REV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with