Kuryente tataas uli
MANILA, Philippines - Bubusisin sa Kamara ang Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) dahil nakaamba ang muling pagtaas ng singil sa kuryente.
Sabi ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, inihain na nila ang isang resolusyon sa House Energy Committee para makalkal ang mga dahilan ng muling pagtaas ng singilin sa kuryente na nagpapahirap ng malaki sa mamamayan.
Ayon kay Colmenares, hindi dapat ipasa para masingil sa mamamayan ang mga kapritso ng PSALM.
Kung anu-anong ari-arian ng PSALM ang ibinebenta pero hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin umano bumababa ang kanilang utang.
Sinabi ni Colmenares, hihimay-himayin nila kung bakit isinasama sa systems loss na ipinapasa sa mga consumer ang electric consumption ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) gayung na-privatized na ito.
- Latest
- Trending