Smuggling sa MICP, Port of Manila pinaiimbestigahan sa Kongreso
MANILA, Philippines - Dapat imbestigahan ng Kongreso ang sinasabing talamak na smuggling operation sa Manila International Container Port at Port of Manila ng isang Filipino-Chinese national na kung tawagin ay si Frank Wong.
Ayon sa reliable source, hindi bababa sa daang milyon kada linggo ang operasyon ni Frank Wong sa mga nasabing daungan dahil kakutsaba daw nito ang ilang bugok na customs officials dito.
Ayon sa impormante, iba’t ibang uri ng mga epektos ang ipinapasok ni Wong sa bansa pero ang ibinabayad lamang nito sa gobyerno ay napakaliit dahil dinadaya nila ang tamang taxes and duties sa mga shipment nila.
Sinasabing kasosyo ni Wong ang isang George Tan na nahuli na rin ng mga awtoridad dahil sa pamemeke ng mga dokumento sa bureau.
“Kung pababayaan ni Customs Commissioner Lito Alvarez ang operasyon ng mga nagsabwatang bigtime smugglers sa pier tiyak mawawalan ang gob yerno ni PNoy ng malaking halaga sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis,”’ sabi ng source.
- Latest
- Trending