^

Bansa

Mag-donate ng dugo sa dengue victims - Palasyo

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Palas­yo sa taumbayan na magboluntaryong mag-donate ng dugo matapos tumaas ang bilang ng mga biktima ng dengue sa Luzon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tumaas na ng 55% ang bilang ng mga biktima ng dengue sa Luzon pero bumaba naman ng 77% sa Visayas at 76 % naman sa Mindanao.

Sa kabuuan ay bumaba pa ng 33.5 % ang naging biktima ng dengue sa buong bansa kumpara sa nakaraang taon.

Ani Valte, sa kabuuang bilang ng dengue cases sa buong bansa ay 76% ang mula sa Luzon habang nasa 11 percent sa Visayas at 12 % sa Mindanao.

Sa Gitnang Luzon ay mayroong 284 dengue cases sa nakalipas na 8 buwan kumpara sa nakaraang taon. Ang mga lalawigang apektado nito ay ang Bulakan (2,259), Nueva Ecija (1,666), Pampanga (1,390), Tarlac (736), Bataan (525), Zambales (350) at Aurora (43).

ANI VALTE

AYON

BULAKAN

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

LUZON

MINDANAO

NANAWAGAN

NUEVA ECIJA

SA GITNANG LUZON

VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with