^

Bansa

Army troops peacekeepers sa giyera ng MILF rebels

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Binigyan na ng direktiba ni Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz ang tropa ng mga sundalo sa lalawigan ng Maguindanao na magsilbing peacekeeping force sa pagitan ng giyera ng naglalabang paksyon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Inatasan na ni Ortiz ang tropa ni Brig. Gen. Rey Ardo, Chief ng Army’s 6th Infantry Division na magsilbing tagapamayapa sa tensiyon sa pagitan nina Commander Kadzmie Hadjimie ng MILF 106th Base Command at ng grupo ni Commander Abunawas ng Bangsa Islamic Freedom Fighters (BIFF) .

Ang BIFF ay itinatag ng wanted na si Ameril Umbra Kato matapos naman itong humiwalay ng landas sa grupo nina MILF Chieftain Ustadz Al Haj Ibrahim Murad.

Tinagubilinan ni Ortiz ang mga sundalo na nakadestino sa Maguindanao na huwag makisawsaw sa gulo ng dalawang paksyon ng MILF at alalahanin na may peace talks sa pagitan ng GRP at MILF peace panel.

Ayon sa report uma­abot na sa 23 rebelde ang nasawi mula sa naglalabang grupo nina Hadjimie at Abunawas habang 2,500 residente naman ang nagsilikas sa takot na madamay sa bakbakan na nag-umpisa noong Agosto 7 sa bayan ng Datu Piang na umabot sa Guindulungan at Talayan ng lalawigan.  

vuukle comment

AMERIL UMBRA KATO

ARMY CHIEF LT

ARTHUR ORTIZ

BANGSA ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BASE COMMAND

CHIEFTAIN USTADZ AL HAJ IBRAHIM MURAD

COMMANDER ABUNAWAS

COMMANDER KADZMIE HADJIMIE

DATU PIANG

INFANTRY DIVISION

MAGUINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with