Mangudadatu lusot sa murder
MANILA, Philippines - Dinismis na ng Department of Justice ang kasong murder na inihain laban kay Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu kaugnay sa pamamaslang sa kaniyang pinaghihinalaang salarin noong nakalipas na taon.
Sa resolution na nilagdaan ni DOJ Undersecretary Leah Tanodra-Armamento, pinaburan ng kagawaran ang inihaing motion to withdraw ng biktimang si Natividad de Arce Kamendan, maybahay ng napaslang na si Tamano Kamendan ng Sharif Aguak, Ampatuan.
Nabatid na inihain ang isang ‘undated motion’ ni Kamendan noong Mayo 27, 2011 habang binubusisi pa ng DOJ ang isinumiteng petition for review para sa joint resolution na ipinalabas ng Davao City Prosecutor .
Gayunman, hindi pa lusot ang dalawang bodyguard ni Mangudadatu na sina PO1 Ibrahim Langalen at PO1 Surab Lintukan Bantas na isinusulong pa ang kasong murder matapos silang makasuhan sa korte sa pagpatay kay Tamano sa loob ng Gaisano South Citimall noong Pebrero 11, 2010.
Sa record, umamin ang dalawang pulis na bodyguard ng gobernador na napilitan silang barilin si Kamendan nang tangkaing dukutin ang mga anak na babae ni Mangudadatu at agawan pa ng baril si PO1 Bantas.
- Latest
- Trending