Solon pumanaw

MANILA, Philippines - Pumanaw na si Zambales 2nd district Rep. Antonio Diaz kahapon ng umaga sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City dahil sa sakit na diabetes.

Ayon sa staff ni Diaz na si Ariel Maliksi, bandang alas-6:20 ng umaga ng pumanaw ang kongresista sa edad na 83 dahil sa multiple organ failure matapos ang mahabang panahon na pagda-dialysis.

Ibuburol ang bangkay ng kongresista sa Christ the King Church sa Greenmeadows habang gagawin ang necrological service para kay Diaz sa House of Representatives alas-10 ng umaga ngayong Huwebes.

Naulila ni Diaz ang kanyang apat na anak na sina Arvi, Ricky, Bobby at Rica.

Show comments