MANILA, Philippines -
Ayon kay Legarda, kabilang sa mga dahilan ng matinding pagbaha lalo na sa Metro Manila ang mga baradong estero at kanal dahil sa mga basurang plastic na hindi basta-basta natutunaw.
Base umano sa pag-aaral na isinagawa ng United States Environmental Protection Agency kaugnay sa hindi tamang paggamit ng mga plastic bags, nasa 500 bilyon hanggang one trilyong plastic bags ang nagagamit bawat taon.
Ayon naman sa ulat ng World Wildlife Fund umaabot sa 200 iba’t ibang marine species ang namamatay dahil sa ‘ingestion’ at ‘choking’ sanhi ng plastic bags.
Sinabi ni Legarda na ang naranasang matinding pagbaha ay patunay na masama ang epektong idinudulot ng mga plastic bags sa kalikasan.
Sa Senate Bill 2759, o Total Plastic Bag Ban Act of 2011 na inihain ni Legarda, ipagbabawal ang paggamit ng mga non-biodegradable plastic bags sa mga groceries, supermarkets, public markets, restaurants, fast food chains, department stores, retail stores at iba pang kahalintulad na establisimiyento.